Posted in Uncategorized

Sana May Bukas Pa

Haaaay.

Marami akong gustong isulat ngayong gabi. Sangkatutak ang nasa isipan ko ngayon. Kagaya ng pressure sa trabaho. Mahirap pala ang trabaho ko lalo na’t  iniisip ko lang lage ang mga dapat kong gawin sa opisina. Pagkauwi ko palang galing trabaho, pumapasok kaagad sa isipan ko kung anu ang dapat kong unahing gagawin kinabukasan. O di kaya naman ay ang di mamatay-matay na pagnanais kong matutong lumangoy, o maligo nalang sa pool. Matagal na akong nagyayaya sa mga kaibigan kong maligo sa pool, pero parang hindi talaga sila interesado. Pwede rin iyong tungkol sa aming ni J. Kaso, parang hindi naman magandang ipagsigawan ko yung nararamdaman ko sa buong mundo nang hindi ko pa nasasabi sa kanya. Baka isipin niyang hindi ako patas. Naiisip ko rin ngayon yong pamilya ko sa baryo, kung kamusta na sila. Halos isang buwan na pala akong hindi nakakauwi. Pero bawi din naman, nagka reunion palang pala kami nitong nakaraang linggo sa binyag ng unang apo at pamangkin ng pamilya, so baka ayos na din yun, lalo na kay Papa. Medyo matampuhin kasi iyong matanda ko. Hay. O kung ano ang plano ko sa buhay ko. Ano ba magandang gawin? Ano ba ang gusto kong gawin?

Siya nga pala, sa darating na sabado, pasukan na ng iba kong katrabaho. Kumukuha yung ilan sa kanila ng master’s degree. Nakakainggit. Mabuti pa sila, may alam anu ang gustong gawin sa buhay. O may pera para sundan ang kanilang mga pangarap. Kung mayaman lang ang mga magulang ko, baka kumuha ako ng kursong patok sa ekonomiya at iyong nagpapayaman, kagaya ng pagiging doctor. O pwede rin namang theatre arts, para maging artista. Isang ngiti lang sa telebisyon, milyon agad ang kikitain ko doon. O singer! Pwede akong mag-audition sa The Voice of the Philippines. Naku, hindi na kailangang magbanat ng buto si Papa kung nagkagayun! Kaso hanggang karaoke lang ata ako.

Pero sa totoo lang, isa lang ‘yong matagal na bumabagabag sa akin ng sobra. Iyon ay ‘yong katotohanang sa tanda kong ‘to, katiting palang yong napapatunayan ko sa sarili ko. Yung iba kong mga kakilala, gra-gradweyt na sa San Beda ng law, yung iba sa USC Psychology master’s degree, yung iba nag-asawa na, may anak pa! May ilan, kayod-aral ang diskarte. Meron naman yung mga maswerte lang talaga. Antataba ng mga wallet ng mga magulang, kakayanin ang nagtataasan at sangkatirbang bayarin sa eskwelahan.  Samantalang ako, heto at kayod lang ang alam. Kayod hangga’t nandiyan pa ang kontrata. Pag dalawang buwan na bago matapos ang proyekto, hanap uli ng mapapasukang trabaho.  Ang kaya lang ng ipon ay ang gumala, magpakitang gilas sa Facebook na kunwari ay may nararating ako. Mag reklamo sa Twitter tungkol sa boss o maglabas ng hinaing sa mga blog sites ko. Ewan kung matino nga ba itong pinatutunguhan ko, o hanggang dito nalang ako. Paano, hindi naman totoong hindi hadlang ang kahirapan para tuparin ko yung mga pangarap ko. Pangarap kong makarating sa buwan. Pangarap din naman ‘yan, diba? Pero hindi ko matutupad ‘yan, dahil wala akong perang pamasahe sa spaceship. O gusto kong gawin yung pinaka pangarap ko sa buhay, yung kumanta at gumawa ng musika! Pero hindi ko rin ‘yan kayang gawin. Paano, kailangan kong kumain sa araw-araw, magbayad ng renta, magbigay sa bahay para sa kaunting mga gastusin… hindi ko magagawa yan dahil wala akong pera! Yung iba, syempre kaya nila. Mayayaman eh. Anu ba naman laban ko sa mga negosyo nila, sa mga magulang na kayang ibigay lahat ng luho nila sa buhay, sa mga sipag at tiyaga nila sa mga etc etc etc at iba pa, eh ang tanging luho ko lang naman sa buhay ay ang magkulay ng kuko at kumain minsan sa Jollibee o pagsineswerte sa mga murang flights, maglalakwatsa na swak sa budget na 2k.

Pero yung mag-aral sa isang paaralang isang libo ang kada unit ng subject?  Parang dapat siguro magpa ampon muna ako kay Kris Aquino. Ako nalang ang papalit kay Darla, basta ba makakapag-aral ako ng gusto kong master’s degree, o di kaya’y kakanta sa isang cool bar kasama yung mga kabanda ko, o mag-aartista din ako kagaya ni Bimby. Walang problema, Ms. Krissy.

Eh kaso, puro lang naman ako reklamo. Isa pa ‘tong dahilan eh. Ang kupad-kupad ko. And tamad-tamad. Alam nang sa Pilipinas, walang libre, ayaw pa ding magtiyagang magbanat ng pang-tuition. Bakit kasi ang mahal mahal ng mga bagay-bagay dito, ang pulubi naman ‘tong bansang ‘to? Pulubi sa lahat ng bagay, lalo na sa pagmamahal ng mga nasa pwesto at ‘yong karamihang masaya na kung nagkatuluyan ‘yong teenager na may anak na at may boypren pa sa labas ng bahay ng tang-inang Kuyang ‘yan saka yung kumekerengkeng sa kanyang binatang para ewan sa PBB.  (Sana mamatay na kayong lahat, mga p*tang ina niyo, ang tatangamniyo, mga magnanakaw kayo!)

Ay, sorry. Nadala lang ng matinding emosyon. And tatanga eh. Sorry ule.

Sige matutulog na’ko. Maaga pa ako bukas. Baka may sweldo na, tignan ko kung kakasya pang-one sem. Baka sakaling may patunguhan na ‘tong sinulat ko. Baka sakaling may bukas pa.

End.

Advertisements

Author:

I tell stories.

2 thoughts on “Sana May Bukas Pa

  1. May libreng biyahe sa moon! Kaso one way lang.haha Go for your dreams! Sabi nga ng BDO, find ways! Kaya mo yan. Ang mga taong successful, sila ang mga taong hindi sumusuko sa laban ng buhay. 🙂 If it is worth fighting, fight for your dreams. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s